ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ilang aksidente sa mga kurbadong kalsada, tinutukan ng 'Alisto'


 


Ang mga kurbadang kalsada, delikado para sa mga motorista ayon sa eksperto. Hindi kasi agad nakikita ang kasalubong na mga sasakyan kaya peligroso. Ilang aksidente sa zigzag road…huli sa kamera!

 

Sa kuha ng helmet camera, makikita na nag-overtake ang motorsiklo sa isang zigzag road. Kaya naman bumulaga sa rider ang mga kasalubong na motorsiklo. Sumemplang ang rider at angkas nito.


Sa Biñan Laguna, dalawang motorsiklo ang nagkagitgitan sa daan. Ang isa sa mga rider, natumba. Wala siyang suot na helmet kaya naman nabagok ang ulo niya sa semento. Ang isa namang rider, tumuloy pa rin sa pag-arangkada.
Paano maiiwasan ang ganitong disgrasya?


Ang lead stars ng teleseryeng “Haplos” na sina Rocco Nacino at Sanya Lopez ay magbabahagi ng Alisto tips!

 


 



Samantala, ilang insidente ng rambol…caught on cam! Sa Brgy. Salawag, Dasmariñas Cavite, rambol ng dalawang grupo sa isang carwash shop ang nakuhanan ng CCTV camera.


Viral naman online ang awayan ng dalawang babaeng pasahero sa loob ng isang pampasaherong sasakyan. Ang ugat ng bangayan, dahil umano sa isang lalaki!
Paalala ng eksperto, patung-patong ang kasong pwedeng isampa sa mga nasasangkot sa rambol tulad ng physical injuries, malicious mischief at alarm and scandal.


Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

Tags: pr