Ilang biktima ng mga aksidente ngayong 2017, kinumusta ng 'Alisto'

Mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon, 78,160 road crash ang naitala ng Metropolitan Manila Development Authority. Ilan sa mga ito ay naitampok sa Alisto.
Kabilang dito ang karambola na nakuhanan ng CCTV camera sa isang highway sa Lubao, Pampanga.
Nasagi ng isang kotse ang tricycle matapos subukan ng kotse na mag-overtake sa kanan, dahilan para mapunta ang tricycle sa kabilang lane. Sumalpok ang tricycle sa paparating na truck. Tumilapon ang mga pasahero ng tricycle na nagtamo ng matitinding pinsala. Ang mga sakay nito ay ang pamilya Diwa kabilang ang mag-asawang sina Leonora at Alfredo at ang kanilang anak na si Elaine.
Kalunus-lunos naman ang sinapit ni Serafin Del Mundo nang mabangga ang sinasakyan niyang motorsiklo ng isang SUV sa intersection sa Osmeña highway sa Makati City. Nagtamo siya ng hiwa at mga pasa sa mukha, sugat sa paa at bali sa likod.
Kumusta na ang mga biktima at ano ang aral na iniwan ng mga disgrasya?
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
