Peligrong dulot ng maling paggamit ng helmet, tatalakayin ng 'Alisto'

Ang helmet ang pinakaimportanteng protective gear ng mga rider ng motorsiklo ayon road safety advocates. Kaya dapat lahat ng rider ng motorsiklo hindi lang basta may suot na helmet. Kailangang masigurong de kalidad din ito. May mga pagkakataon kasi na tumatalsik ang helmet kapag nasangkot ang ilang rider sa disgrasya.
Tulad ng mga nakuhanan ng CCTV camera sa Brgy. South Triangle, Quezon City. Isang SUV at motorsiklo ang nagsalpukan. Natanggal ang helmet ng rider. Sugatan ang biktima. Sa lakas naman ng impact ng banggaan, hindi lang helmet ang tumatalsik kundi pati ang rider o kaya angkas ng motorsiklo. Anu-ano ang mga dapat tandaan para maiwasan ang peligrong dulot ng maling paggamit ng helmet?

Tampok din sa episode na ito ang mga panganib ng panloloob sa ilang establisyimento at apartment. Paano makaiiwas sa mga ganitong modus?
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!