ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Peligrong dulot ng overloading at overspeeding, tatalakayin ng ‘Alisto’


 

ALISTO!

AIRING DATE: MARCH 20, 2018

Halos apat na libong road crash sa bansa ay dahil sa speeding o ang pagmamaneho nang lampas sa itinakdang speed limit. Base ito sa datos ng Philippine National Police Highway Patrol Group o PNP-HPG noong nakaraang taon.

Sa Tagaytay City, isang humaharurot na kotse ang bumangga sa isang van. Sa lakas ng pagbangga, ang ilang pasahero ng van ay tumalsik palabas ng sasakyan.

Kapwa naman sumemplang ang rider at siklista sa Cebu matapos matumbok ng motorsiklo ang bisikleta na dapat sana ay lilipat ng linya. Ayon sa eksperto, mabilis ang takbo ng motorsiklo. Pareho silang humandusay sa kalsada.

Samantala, tampok din sa Alisto ang mga peligrong kinahaharap ng mga kababaihan at kung paano ito maiiwasan. Sa ilang pagkakataon, hindi lang aksidente kundi pambabastos ang kinahaharap ng ilan.

Ngayong National Women’s Month, alamin kung paano maipagtatanggol ang inyong karapatan sakaling maharap sa ganitong sitwasyon.

Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!