Tips para maiwasan ang alitan sa kalsada, alamin sa 'Alisto'
ALISTO!
AIRING DATE: JANUARY 22, 2019
Igan, ilang pedestrian ang nalagay sa panganib matapos mabundol ng mga sasakyan habang tumatawid. Paulit-ulit na paalala ng mga road safety advocate ang pagtawid sa tamang tawiran tulad ng pedestrian lane, overpass, at footbridge. Sa mga lugar kung saan wala ang mga ito, paano masisigurong ligtas nang tumawid? Ayon sa mga eksperto hintayin ang safe gap. Alamin kung paano matatantiya ang tinatawag na safe gap at ang iba pang lugar kung saan ligtas pumwesto habang naghihintay na makatawid.
Samantala, ayon sa mga eksperto, ang buhul-buhol na daloy ng trapiko ay madalas na ring maging mitsa ng road rage sa kalsada. Ang mga alitang kinasangkutan ng mga motorista sa lansangan, paano nga ba maiiwasan? Alamin ang dapat gawin sakaling may motoristang maghamon sa inyo ng away.



Abangan ang lahat ng aksyon sa alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
ENGLISH VERSION
In this episode, experts will share tips on the importance of crossing in pedestrian lanes, overpass, and footbridges. In the absence of these, experts will also discuss how to make sure there is a safe gap in the traffic before crossing the road. Meanwhile, authorities share pointers on how to de-escalate road rage incidents.