Citizen's arrest, paano nga ba ginagawa?
ALISTO!
AIRING DATE: JUNE 11, 2019
Paalala sa mga motorista, ang sasakyan na nagmenor o nakahinto sa inyong unahan ay nagsisilbing visual screen o tabing. Ibig sabihin, babala ito na posibleng may papatawid na pedestrian kaya dapat huminto at magbigay-daan para iwas-disgrasya. Alamin ang iba pang pedestrian safety tips.
Samantala, tututukan din ang ilang insidente ng citizen’s arrest. Ayon sa batas, maaaring arestuhin ang isang tao kahit walang warrant of arrest kung gumawa siya ng krimen, nahuli sa akto na gumagawa ng krimen, at nagbabalak na gumawa ng krimen. Maaaring peace officer o pribadong indibidwal ang magsagawa ng pag-aresto. Anu-ano ang dapat at hindi dapat gawin kapag nagsagawa nito?
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
ENGLISH VERSION
The episode focuses on eliminating “visual screens” for motorists. In multi-lane single direction highways/roads, a vehicle that stops can act as a “visual screen,” or when the driver in the next lane does not see the pedestrian. What should the driver and pedestrian do in this scenario to ensure their safety? Meanwhile, what are the dos and don’ts of facilitating a citizen’s arrest, also called a warrantless arrest by a private person.
_2019_06_10_12_41_53_0.jpg)

