Epekto ng alak sa pagmamaneho, alamin!

ALISTO!
AIRING DATE: JULY 23, 2019
Base sa datos ng Philippine National Police Highway Patrol Group, mahigit tatlong daang insidente ng drunk driving sa bansa ang naitala noong nakaraang taon. Sa tulong ng eksperto mula sa isang safety driving center, ipakikita ang epekto ng alkohol sa motor skills ng isang tao gamit ang isang uri ng goggles. Ang goggles ay representasyon ng lebel ng alcohol content sa katawan o ang tinatawag na Blood Alcohol Concentration o BAC. Alamin ang ilang tips mula sa eksperto para maiwasan ang peligro ng pagmamaneho ng lasing.
Samantala, tampok din ang mga alitan na nauwi sa karahasan na nangyari sa loob ng mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep at bus. Alamin kung paano madedepensahan ang sarili sa ganitong sitwasyon.
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
ENGLISH VERSION
The Philippine National Police Highway Patrol Group has recorded more than 300 incidents of drunk driving in the past year. The segment highlights the dangers of drinking and driving. Through a demonstration, an expert will use drunk simulation goggles, which mimic the visual effects of impairment due to alcohol. Meanwhile, another segment looks into the triggers and causes of scuffles between passengers in public utility vehicles. A self-defense instructor demonstrates techniques to lessen the risk of getting hurt in the event of physical altercations.




