ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagbibisikleta sa daan, paano nga ba mas magiging ligtas?


 

ALISTO!

AIRING DATE: MARCH 10, 2020  

Mas mapanganib ang pagbibisikleta tuwing gabi kumpara sa umaga. Kaya naman payo ng eksperto, dapat may reflective tapes ang inyong bisikleta. Siguraduhin din na may may head at tail lights ito na nakikita sa layong limandaang metro. Paalala sa mga siklista, huwag kalimutang magsuot ng reflective suit. Importante rin na standard na  huwag substandard ang gamiting ilaw. Sa isang demo, ipakikita ng ilang bike safety advocate ang pagkakaiba ng standard at substandard na accessories.

Samantala, ipaliliwanag ng eksperto ang mga insidente ng pagnanakaw sa pamamagitan ng konsepto ng theft triangle. Ang theft triangle ay binubuo ng tatlong elemento: ang motibo, oportunidad, at panganib. Paano nga ba hindi mabiktima ng mga mapagsamantala?

Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!

ENGLISH VERSION

In this episode, experts remind cyclists how to be properly lit, safe, and visible when cycling at night. Bike safety advocates underscore the difference between standard and substandard lights. Meanwhile, authorities explain the incidents of burglary of retail establishments through the Theft Triangle model.