Motorcycle crash survivors, kinumusta muli ng 'Alisto!'
_2020_02_17_12_24_36.jpg)
ALISTO!
AIRING DATE: APRIL 14, 2020
Mga ilang nakaligtas sa disgrasya, muling kinumusta ng Alisto. Alamin ang mga aral na iniwan ng aksidente at kung paano sila muling nakabangon. Sa isang demo, ipakikita ng eksperto kung paano ang tamang pagsuot ng mga motorcycle protective gear tulad ng airbag jacket o vest, knee pads, gloves, at boots.
Mga paghihiganti na nauwi sa karahasan, paano dapat naiwasan? Ayon sa eksperto, ang sentido ang pinakamanipis na bahagi ng bungo ng tao. Sakaling may manakit sa iyo, siguraduhin na maprotektahan ito. Alamin ang mga kinahinatnan ng kasong isinampa laban sa mga suspek ng pananakit dahil sa paghihiganti.
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto! Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
ENGLISH VERSION
The episode underscores the importance of wearing the complete motorcycle protective gear which includes airbag jacket o vest, knee pads, gloves, and boots. An expert demonstrates how to wear them and how it offers extensive protection. Meanwhile, know how to defend and protect yourself from sustaining injuries when one gets involved in a scuffle.