Balik-biyahe na tayo, mga Kapuso!
_2020_02_17_12_24_36.jpg)
ALISTO!
AIRING DATE: MAY 26, 2020
Limitado pa rin ang transportasyon sa kasalukuyan pero huwag maging kampante, mga Igan. Mga hambalang sa kalsada na nagdulot ng peligro sa mga motorista... caught on cam! Kabilang sa mga road hazard ay plastic barrier na nahulog mula sa bangketa at tangke ng LPG na nalaglag mula sa tricycle. Magbibigay ng tips ang eksperto kung anong gagawin kung maharap sa ganitong sitwasyon.
Samantala, maging alisto rin sa mga krimen na maaaring mangyari kahit limitado lang ang mga nakalalabas ngayon. Alamin ang safety tips sakaling maharap pa rin sa mga masasamang loob.
Karaniwang baril at kutsilyo ang ginagamit ng mga holdaper para takutin ang kanilang biktima. Sa isang demo, ipakikita ng mga miyembro ng Quezon City Police District ang posibleng pinsala sa katawan kapag nabaril depende sa layo ng suspek mula sa biktima.
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
ENGLISH VERSION
Despite limited transportation, everyone must still be cautious on the road. The episode looks into road hazards which include road debris which are foreign objects and materials that litter the highways. A dashboard camera video shows a Liquefied Petroleum Gas tank that fell on the highway. Meanwhile, additional footage shows a motorcycle driver crashing into plastic barriers. Experts explain how to avoid these hazards. Another segment looks into holdup incidents. Members of the Quezon City Police District warn the public on the dangers of armed street robbery.