Paglalaro ng basketball, may dala ring peligro?
_2020_02_17_12_24_36.jpg)
ALISTO!
AIRING DATE: June 2, 2020
PALYADONG PRENO AT BASKETBALL INJURIES, NGAYONG JUNE 2 SA ALISTO!
Sa limitadong transportasyon ngayon, maaaring may makasabay ka pa ring truck sa daan na may essential delivery services. Sa bahagi man ng truck drivers, may safety measures din para iwas-disgrasya ngayong may community quarantine!
Dahil sa laki at bigat ng mga truck, hirap itong lumiko sa mga kurbada. Hindi rin kaagad kumakagat ang preno nito. Bakit nga ba pumapalya ang preno ng truck at paano magiging ligtas ang pagliko ng mga dambuhalang sasakyan?
Samantala, marami rin ang nakaka-miss sa palarong basketball sa panahong limitado pa ang paglabas. Pero sa hinaharap kapag maaari nang maglaro nito, dapat hindi kalimutang kakambal nito ang peligro sa bawat dribol at shoot ng bola. Alamin ang tips para makaiwas sa basketball injuries!
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
ENGLISH VERSION
Despite limited transportation, delivery truck services should take safety precautions. One segment will feature causes of road crashes involving trucks and will discuss how to drive safely around a curve. Meanwhile, basketball players should know the most common injuries in hard courts and expert pointers to avoid them, should this sports be allowed in the future.