Insidente ng animal cruelty, paano nga ba isumbong?

ALISTO!
AIRING DATE: JULY 21, 2020
Ilang paslit ang nabundol ng sasakyan samantalang ang iba naman ay naipit sa escalator! May safety features ang escalator na dapat tandaan para maiwasan ang mga ganitong uri ng disgrasya. Alamin din ang tamang pwesto ng mga bata kapag sumasampa at bumababa ng escalator. Paalala rin ng mga eksperto sa mga magulang at guardian na bantayan nang maigi ang inyong mga anak para hindi mapahamak sa kalsada.
Tinutukan din ng Alisto ang ilang kaso ng pagmamalupit sa mga hayop. Anu-ano ang proseso sa pagsasampa ng reklamo laban sa mga suspek ng pagmamaltrato?
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto. Mapapanood na ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!
ENGLISH VERSION
Children face the risk of sustaining severe injuries when left unsupervised on escalators. Child safety experts stress the importance of adult supervision to prevent escalator-related injuries. Meanwhile, citizens are encouraged to come forward and report to the local police in cases of animal abuse. Know what documents and evidence to prepare before filing the complaint.