Top crimes ng 2020, tampok sa 'Alisto'!
PAGKILALA SA KABAYANIHAN NG MGA FIRST RESPONDER AT 2020 TOP CRIMES NGAYONG MARTES SA ALISTO, DECEMBER 8 SA GMA NEWS TV!

Airing Date: DECEMBER 8, 2020
Sa pagtatapos ng taon, babalikan ng Alisto ang mga maaaksyon at buwis-buhay na mga rescue operation. Kabilang dito ang mga nirespondehang sunog, kalamidad at road crash ng ating mga first responder. Nariyan din ang kanilang pagtugon sa mga nangangailan ng atensyong medikal.
Samantala, alamin ang mga krimen na pasok sa 2020 Top Crimes ng Philippine National Police. Mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon, nakapagtala ang ahensya ng 34,689 na insidente ng focus crimes o mga krimen na may pinakamaraming insidente sa bansa. Mababa ito ng 39% kumpara sa 57,143 na insidente sa mga parehong buwan noong 2019. Malaking bahagi raw ng pagbaba nito ang pagpapatupad ng community quarantine sa bansa mula noong Marso. Alamin ang mga paraan para maging ligtas mula sa mga kawatan ang inyong mga bahay, negosyo at iba pang ari-arian.
Abangan ang aksyon sa Alisto ngayong Martes, 10:30 PM, pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho, sa GMA News TV kasama si Igan Arnold Clavio…
Hindi ka biktima! Maging... Alisto!
ENGLISH VERSION
The episode features the life-threatening situations that first responders run into to save lives. Another segment discusses the top 3 top crimes of 2020 and how to avoid being victimized. The Philippine National Police has recorded a 39% drop in the incidents of focus crimes from January to October this year. The agency attributes the decline in the imposition of the community quarantine in the country. Catch Alisto every Tuesday at 10PM on GMA News TV.