Proclamation No. 572, tatalakayin sa 'Bawal ang Pasaway'
_2018_09_10_16_05_41.jpg)
PROCLAMATION NO. 572
LUNES, SEPTEMBER 10, 2018
10:15 PM, GMA NEWS TV
Anumang oras, puwedeng arestuhin ang pinakabokal na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte - si Senador Antonio Trillanes IV.
Ngayong linggo, ipinawalang bisa ng Pangulo ang amnestiya ng senador sa pamamagitan ng Proclamation No. 572. Nakasaad dito na hindi umano sinunod ni Trillanes ang basic "requirements" para sa amnestiya. Una, hindi raw nagsumite ang senador ng official amnesty application form at pangalawa, hindi nito inamin na siya’y nagkasala. Dahil dito, wala na umanong bisa ang amnestiya noong simula pa lamang.
Ayon kay Congressman Gary Alejano, kinatawan ng MAGDALO Partylist at isa rin sa mga nakatanggap ng amnestiya kaugnay ng Oakwood mutiny at Manila Peninsula Seige, hindi umano takot na maaresto si Trillanes. Nabanggit daw ng senador na, “Hindi naman ako iiwas dito, hindi ako magtatago, kung mapaliwanag niyo nang maayos sa akin at may ligal kayo na dokumento, sasama ako.” Ayon din kay Trillanes, may ebidensiya siya na magpapatunay ng pagsumite niya ng amnesty application form.
Nakaabang na ang militar at pulis na ipatupad ang utos ng Pangulo.
May ligal na basehan nga ba ang pagsasawalang bisa ng amnestiya ni Trillanes? O personalan na ba ang labanan? Iniisa-isa na nga ba ang mga kritiko ng Pangulo? Sundan ang susunod na kabanata ng Proclamation No. 572 sa Lunes, 10:15 ng gabi, sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.