ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Party-list system, tatalakayin sa 'Bawal ang Pasaway'


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE

4 March 2019 Episode

PARTY-LIST

Pang-mayaman at para sa makapangyarihang grupo na ang mga party-list. Ito ang reklamo ng grupong Kontra Daya, na nagsawa ng pag-aaral sa hanay ng mga kakatawan daw sa mga mahihirap at naapi sa balota ngayong eleksyon.

Ayon kay Dante Arao, lead convenor ng groupong Kontra Daya, sa 134 na tumatakbo sa ilalim ng party-list, 62 ang mula sa hanay ng negosyo o political clans.  Dapat aniyang umaksyon laban sa mga ito ang Commission on Elections (Comelec). 

Ayon kay Director John Rex Laudiangco ng COMELEC Legal Department, hindi madaling alisin ang mga tumatakbo sa party-list dahil sa ilalim ng batas, ang mga maaring sumali rito ay yaong kaanib ng national o regional party, o kaya ay sectoral representative. 

Nanawagan si Arao sa Comelec na suriin ang mga listahan ng nominees ng mga party-list at nang makita nila ang mga grupong hindi dapat kasali sa eleksyong ito. Hinikayat niya ang Comelec na magsagawa ng public hearing at imbitahin ang mga lider ng party-list nang matanong ng publiko tungkol sa kanilang mga adhikain sa Kongreso.

Pumayag si Dir. Laudiangco na iparating ito sa mga Commissioners ng Comelec.

Nanawagan naman si Mareng Winnie sa publiko na makilahok sa ganitong mga usapin at iparating sa Comelec ang kanilang pagtutol sa pagkasira ng layunin ng party-list system.

Kilalanin ang mga tumatakbo sa party-list ngayong 2019 elections sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa Lunes, 10:15 ng gabi sa GMA News TV 11.