Goat farmer na, mayor pa!
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
LUNES, 24 JUNE 2019
10:15 PM, GMA NEWS TV
Kasing tibay ng narra ang tatlumpung taong pamumuno ng angkang Demaala sa Narra, Palawan hanggang sa dumating ang magsasakang si Gerandy Danao na siyang nagwaging Alkalde nitong nakaraang Eleksyon 2019. "Pag wala hong lalaban sa kanya, ako ang lalaban," ani ni Danao nang pag usapan nila ni Mareng Winnie ang naisip niyo noong nagpasya siyang tumakbo. Ayon kay Danao, gusto na raw ng mga tao nang pagbabago.


Daing ng ilang residente sa Narra, hindi pa naaayos ang pangakong kalsada sa ilang bahagi ng kanilang lugar. Ang pagpapacheck up daw sa pampublikong ospital, may bayad at ang permit naman sa tricycle, mahal. Ang pangangailangan ng mga magsasaka tulad ng makibagong makinarya, hindi rin umano napagtuunan ng pansin ng dating alkalde.
Nang tanungin ni Mareng Winnie si Danao kung bakit naniwala sa kanya ang mga botante, pabirong sagot nito, "Maloko po ako Tita Wins, pero hindi ako manloloko." Gayunpaman, hindi pa man siya nakakauupo, pinuputakti na siya ng kaliwa't kanang isyu. Drug surrenderee daw siya? At suportado umano siya ng mga sabungero? Lahat ng ito, uungkatin ni Mareng Winnie.
Ang pagsibol ng bagong alkalde sa Narra, Palawan, hudyat nga ba ng pagbabago at kaunlaran? Tunghayan ang panayam ni Mareng Winnie ngayong Lunes, 10:15 pm sa GMA News TV.
----
Goat farmer Gerandy Danao toppled the 30-year hold of a political clan in Narra, Palawan as he won the mayoralty seat last May. Prior to taking office however, he has been accused of being a former drug addict and is allegedly being supported by gamblers. Will Danao be uprooted early from his political career or will he be able to sow and grow change as promised? What can Danao give to his constituents that his opponent could not?