Epekto ng Rice Tariffication Law, alamin
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
MARTES, SEPTEMBER 10, 2019, 7:15 PM ON GMA NEWS TV
Kung “rice is life” para sa mga Pinoy, mas lalo na raw para sa mga kababayan nating magsasakang nagtatanim ng palay. Pero tila kung sino pa ang nagpapakahirap para magkaroon tayo ng isasaing na bigas ang nadedehado raw ngayon dahil sa Rice Tariffication Law (RTL) na pinirmahan ni Pangulong Duterte noong Pebrero.
“Yung pong sakit ng katawan namin hindi naman namin nararamdaman dahil sanay kami dun. Pero po yung presyo ng palay, yun po yung masyado naming iniinda, sa sobrang baba,” ani Ferdinand Santos na 25 limang taon nang magsasaka sa Bulacan. Kuwento ni Ferdinand, mula P19 hanggang P20 na bentahan kada kilo ng palay noong 2018, bumagsak ito sa siyam hanggang sampung piso pagpasok ng Pebrero ngayong taon. Sa ilang lugar, dumausdos pa nga sa P7 kada kilo ang bentahan.
Hinaing ni Ferdinand, “kaming mga nauna na nagpupursige na magtanim para may maihain ang sambayanang Pilipino, kami po yung nauunang magdusa.” Dahil dito posible raw na siya na ang huling magsasaka sa kanilang pamilya dahil mas gugustuhin na ng kanyang anak na ibenta ang kanilang sakahan.
_2019_09_10_15_42_49_0.jpg)
_2019_09_10_15_42_49_1.jpg)
Ayon kay Department of Agriculture Undersecretary Rodolfo Vicerra, sa patuloy na implementasyon ng batas, mararamdaman ng mga magsasaka ang ginhawa lalo na sa pagroll out ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF. Sa tulong daw ng P10-B kada taon na budget ng RCEF, mabibigyan ng mga makinarya, binhi at mga pautang ang mga magsasaka. Pero ano ang kasiguruhan nang maayos na implementasyon nito? Ito ba ay magiging sapat?
Ayon kay Dr. Rosemarie Tapic, chairperson ng Department of Crops sa Central Luzon State University at isa ring rice farmer, minsan lang siya nakatanggap ng tulong mula sa Department of Agriculture. Suwerte raw siya na may isa pa siyang trabaho. Pero paano ang iba na sa pagsasaka lang umaasa?
Gutom nga ba ang abot ng mga magsasaka dahil sa Rice Tariffication? Sapat na ba ang 35% na taripa sa mga imported na bigas para maproteksiyunan ang mga magsasakang Pilipino? May kinabukasan pa ba ang pagtatanim ng palay sa Pilipinas? Ang mainit na usapan ukol sa paborito nating kanin, himayin mamayang 7:15 ng gabi sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa GMA News TV.
--------
Those who till our lands and provide the Filipino’s staple food - rice -- are now seemingly, ironically, going hungry. Filipino farmers are protesting the drop of the price of unhusked rice to as low as P7 per kilo. This is being attributed to the Rice Tariffication Law passed last February that allows the unlimited entry of imported rice in the country. Under this law, imported rice will be charged a 35% tariff rate. This law was said to curb the rice crisis in the country and also alleviate the condition of our farmers. Bawal ang Pasaway threshes out the issues revolving the Rice Tariffication Law 7:15pm tonight on GMA News TV.