ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Bawal ang Pasaway

Ahensyang nagbabantay sa tiwaling mga pulis, pinabayaan ng gobyerno?


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
MARTES, OCTOBER 29, 2019, 7:15 PM

Ang tinaguriang watchdog ng Philippine National Police, wala umanong pangil laban sa mga tiwaling pulis. Ito ang hinaing ni Atty. Alfegar Triambulo, Inspector General ng Internal Affairs Service o IAS.



Ang IAS ang nag-iimbestiga ng mga kaso kaugnay sa mga pulis. Sila ang nagbibigay ng rekomendasyon sa 8 disciplinary authorities pero tila nababaliwala umano ito. “May sarili silang investigating body kaya ganyan kagulo.” Mula 2015 hanggang 2017, sa bawat sampung pulis na inirekomenda nilang tanggalin sa serbisyo, wala pang tatlo ang nasibak.

Dagdag pa ni Triambulo, simula nang maupo siya sa pwesto noong 2016, marami siyang problemang nakita sa sistema ng ahensiya. Walang badyet, kulang sa kagamitan, at napakaliit ng mga opisina nito. “Neglected ang IAS”, pahayag ni Triambulo. Nagsisiksikan sa isang maliit na opisina ang sampung unit ng IAS sa Camp Crame. Madalas din daw mula sa sariling bulsa nanggagaling ang mga pondo nila.



Kung nagbibingi-bingihan at nagbubulag bulagan umano ang mga disciplinary authorities sa imbestigasyon ng IAS, panahon na ba para isang tunay na independent body na tututok sa mga tiwaling pulis? Sa panahong ito, sasapat ba ang pangil ng IAS para malinis ang hanay ng mga pulis? Alamin ito sa panayam ni Mareng Winnie kay Atty. Alfegar Triambulo sa Martes, 7:15pm, sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.

----

All bark and no bite. This is the dilemma of the watchdog of the Philippine National Police - the Internal Affairs Service or IAS. IAS is the agency that investigates on the cases against corrupt or erring policemen. However, according to Atty. Alfegar Triambulo, Inspector General of IAS their recommendations seem to be put aside by the eight disciplinary authorities. According to IAS, out of every 10 recommendations, barely 3 policemen were dismissed from 2015 to 2017. Triambulo also describes how gravely neglected they are. 10 IAS units are cramped in a small office in Camp Crame. Confidential documents are stored outdoors in plastic bins due to lack of space. What good is a watchdog if it does not have might? Is it time to make IAS the sole disciplinary authority of the PNP? Find out tonight on Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, 10:15pm on GMA News TV