ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Proteksyon kontra sa harassment dulot ng online lending, alamin!


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE: ONLINE UTANG

MARTES, 19 NOVEMBER 2019

7:15 PM ON GMA NEWS TV

Nangutang. Ipinahiya. Binantaan ang buhay. Dumilim umano ang mundo ni Mary Grace Punzalan mula nang mangutang siya sa isang Online Lending Company. Dalawang araw daw bago ang kaniyang due date, nakatanggap na siya ng mga tawag at text ng pananakot, pambabastos, at pagbabanta sa buhay niya at ng kaniyang pamilya. Dagdag pa niya, napakataas daw ng interes ng nasabing online lending app. Halagang P1,650 lang ang kanyang hiniram, pero matapos lamang ang sampung araw, umabot na sa P3,000 ang kanyang kabuuang utang.

Ang karanasan ni Mary Grace, napagdaanan din ng ilang mga nangungutang mula sa online lending companies. Sa panayam ni Mareng Winnie kay Security Exchange Commission Commissioner Kelvin Lee, ipinaliwanag niya na pursigido ang kanilang ahensiya na tuusin ang mga kaso ng harassment at iligal na gawain ng mga online lending company.

 

 

 

 

Payo ni Commissioner Lee, dapat tingnan muna ng manghihiram kung SEC-registered nga ba itong ang mga kumpanyang kanilang hinihiraman. Suriin daw muna ang mga detalye sa online lending apps para makita ang ‘terms and conditions’ na kanilang sinasang-ayunan.

 

 

Alamin ang kalakaran ng online lending at kung paano mapoprotekhan ang sarili ngayong Martes, 7:15pm sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.

(English)

Technology has made almost everything within our reach. This includes borrowing money from online lending companies via apps in times of dire need. However, it has also made it easy for these companies to harass borrowers. Mary Grace Punzalan experienced this when she borrowed from an online lending company. Two days before her due date, Mary Grace says she was threatened by representatives of the online lending company. In debt and fearful of their lives, what can Mary Grace and others like her do to protect themselves? Security Exchange Commission Commissioner Kelvin Lee explains the world of borrowing money online this Tuesday, 7:15pm on Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.