ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga batas sa Free Tuition at Universal Healthcare, naipatutupad ba nang maayos?


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
MARTES, 03 DECEMBER 2019
7:15 PM SA GMA NEWS TV

Karapatan ng bawat Pilipino ang edukasyon at serbisyong pangkalusugan. Dalawang batas ang ipinasa para matugunan ang mga ito. Una, ang Republic Act 10931 Universal Access to Quality Tertiary Education Act o Free Tuition Law noong Agosto 2017. Sumunod naman ang Republic Act 11223 Universal Healthcare Law Bill noong Pebrero 2019. Ang tanong, napatutupad ba nang wasto ang mga batas na ito?

 


 


Bumaba ng mahigit labing anim na porsiyento ang pondong nakalaan para sa pagpapatupad ng libreng edukasyon sa kolehiyo sa taong 2020.  Mula 42.49 billion pesos ngayong 2019, naging 35.36 billion pesos na lang ito. Kinatay rin ng mahigit walumpong porsiyento ang pondong nakalaan sa student financial program. Ang dating 4.2 billion pesos na pondo, naging 516.9 million pesos na lang. Apektado ang mahigit apatnapung libong estudyante.

Ang ilan sa mga dating TES beneficiary tulad nina Angelo, Joanne, at Camille na kapwa Accountancy students ay nabigla kamakailan nang matanggal sila sa listahan ng mga benepisyaryo. Nakatanggap sila ng Php60,000 mula sa UNIFAST sa una nilang taon noong 2018. Ang Php40,000 ay napupunta sa tuition, at ang natitira ay para sa mga libro, pangkain at iba pa. Malaki ang posibilidad na kailanganin nilang pagsabayin ang kanilang pag-aaral sa pagtatrabaho para lamang matugunan ang mga bayarin. O titigil na ba sila nang tuluyan sa pag aaral?

Sa usaping pangkalusugan, hanggang saan na ang narating ng Universal Health Care? Naaabot ba nito ang mga malalayong lugar sa bansa? Balikan natin ang Sitio Loio, Barangay Canaway sa Gen. Nakar, Quezon Province. Ang daan papunta dito ay mabato, maputik, at lubak-lubak. Ang tanging paraan nang pagpunta rito ay sa pamamagitan ng apat na oras sakay ng habal-habal. Dito nakapanayam ng aming team si Wilfredo Ritual (62 yrs), na tatlong taon nang may karamdaman. Napupunta sa P1,200 na pamasahe ang kanilang pera imbis na mapunta sa gamot. Malayo pa ba ang biyahe tungo sa pagtugon sa kalusugan ni Wilfredo at ng mga taga Canaway?

Ang mga isyu ng bayan patuloy na tinutukan ng Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, Martes ng 7:15 ng gabi, sa GMA News TV.

ENGLISH:

Where are we in terms of health and education?

Second year Accounting students Angelo, Joanne, at Camille were recently delisted from the beneficiary list of the Tertiary Education Subsidy due to the budget cut for free education in 2020. They face having to stop school or juggle it with work. Approximately 40,000 students are in the same boat.

While students are struggling with their finances for education, 62 year-old Wilfredo Ritual cannot afford medicines for his tuberculosis. The nearest health center is 4-hours away via a motorcycle that will cost him P1,200 to rent.

What can the government do for Wilfredo, Angelo, Joanne and Camille? What has become of the Universal Health Care Act and the Free Tuition Law? Keep yourself updated with the recent issues on Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, Tuesdays, 7:15pm on GMA News TV.