Handa na ba ang Pilipinas sa oras na sumabog ang bulkang Taal?
BAWAL ANG PASAWAY: BANTA NG TAAL
TUESDAY, 21 JANUARY 2020
7:15 PM ON GMA NEWS TV
"Sa evacuation center, buhay kami. Sa umaga, tanghali, hapon, nakain kami. Paano naman pag kami'y umuwi sa amin? May tumulong kaya sa amin? Siyempre wala naman kaming hanapbuhay. Saan kami kukuha ng aming kakainin?" Ito ang pangamba ni Nanay Lisa, residente ng Talisay, Batangas. Isa siya sa mga apektado ng pagputok ng Taal Volcano noong January 12. Sa bundok napatakbo ang kanyang pamilya para sa kanilang seguridad noong linggong sumabog ang bulkan.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang Alert level 4 sa Taal dahil maaaring may napipinto umanong mas malakas na pagsabog. Patuloy ang lockdown sa 14-km danger zone. Ang mga residente umiikot ang mundo sa mga evacuation center.
Ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS nakatutok bente kwatro oras sa aktibidad ng Bulkang Taal. Hindi tiyak na matutukoy kung gaano katagal ang panganib na dala ng bulkan. Sa panayam ni Mareng Winnie sa PHIVOLCS Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division (VMEPD) Chair na si Ma. Antonia “Mariton” Bornas, napag-usapan na maaaring umabot ito ng ilang araw tulad noong 1911 ngunit ang pinakamamalala ay maulit ang 1754 eruption na tumagal ng pitong buwan.

Naungkat din ang budget ng PHIVOLCS. Aminado si Bornas na kulang sila sa tao.“Nahihirapan po kami pagdating po sa personnel, dahil konti lang po ang ating tao sa observatory”, aniya. “Nahihirapan rin tayo pagdating sa replacement po ng mga equipment. Sinu-support naman tayo ng ating national government sa pag-purchase ng equipment. Kailangan lang po talaga pag-igihan yung justification sa budget,” dagdag ni Bornas.


Pagdating naman sa disaster management plan ng gobyerno, iginiit ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Mark Timbal na base ito sa siyensiya at ebidensiya. “Multi-sector po ito. Sa pangunguna po ng mga science agencies natin, ang ginawa po natin ay yung datos at siyentipikong mga elemento nitong panganib na ito ay ipinaliliwanag sa lahat ng mga stakeholders, “ paliwanag niya.
Ibinahagi rin ni Timbal ang lagay ng mga tao sa mga evacuation center. “Sinisigurado natin na sa labas sa 14 km danger zone po ito. Sa sobrang dami ng tao, gusto po natin na maserbisyuhan pa natin sila kaya nagdadagdag pa tayo.”
Isang linggo matapos ang pagputok ng Taal Volcano, saan na patungo ang mga residenteng apektado nito? Handa ba ang gobyerno sakaling tumagal pa ito? Siyasatin natin ang kalagayan ng bansa sa panahon ng sakuna sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa Martes, 7:15pm, sa GMA News TV.
ENGLISH:
Taal Volcano is on its second week of unrest. Alert Level 4 is still up. Danger zones are still on lockdown. Residents of the affected areas are getting agitated. Liza from Talisay, Batangas laments what their life would be after this tragedy. In the vernacular she said, “In the evacuation centers, we get to eat breakfast, lunch and dinner. But when it’s time to go home, will there be help for us? Our livelihood is gone. How will we survive?” Tonight, Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie discusses the best and worst case scenario and disaster management of the country with PHIVOLCS Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division (VMEPD) Chair Ma. Antonio “Mariton” Bornas and National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Mark Timbal.