ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Nakaahon na nga ba tayo sa kahirapan?


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
TUESDAY, 28 JANUARY 2020
7:15 PM, GMA NEWS TV

Nabawasan na umano ang bilang ng mahihirap sa Pilipinas. Iyan ay ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority o PSA. Sa taong 2018, 1.1 milyong pamilya ang naka-ahon mula sa kahirapan o 5.9 milyong katao kumpara noong 2015. Ang NCR ang nagtala ng pinakamababang poverty incidence sa bansa noong 2018. Tumaas naman ang bilang ng mahihirap sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Ayon kay National Economic and Development Authority Secretary Ernesto Pernia, gumanda raw ang mga trabaho ng mga Pilipino. Ang kalidad ng paglaki ng ekonomiya raw ang dahilan ng pag-ahon ng mga pamilyang mahihirap sa bansa.

 


Ipinaliwanag niya na nakatulong ang mga programa ng gobyerno tulad ng Conditional Cash Transfer o CCT, Unconditional Cash Transfer o UCT, at ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng Department of Social Welfare and Development. “Families along the [poverty] line can get funds from CCT,” ani Pernia.

Subalit ayon kay Dr. Jose Ramon Albert ng Philippine Institute for Development Studies o PIDS, ang pagbaba ng dami ng mahihirap ay resulta ng mga programa ng hindi lamang iisang administrasyon. “This current government cannot say that dahil lang sa kanila. Much of this is actually coming from the investments made 10 years ago and it’s just starting to pile up.”

Totoo nga ba ang pag-ahon sa kahirapan ng milyung-milyong Pilipino? Nararamdaman nga kaya nila ang pag-asenso? Alamin iyan ngayong Martes, 7:15 ng gabi sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.

ENGLISH:

Almost 6 million Filipinos have been lifted out of poverty in 2018, according to the most recent study by the Philippine Statistics Authority or PSA. National Economic and Development Authority Secretary Ernesto Pernia attributes this to the growth of the economy. However, Dr. Jose Ramon Albert of the Philippine Institute for Development Studies says the Duterte administration cannot claim credit for themselves. The real deal on the poverty numbers will be revealed this Tuesday on Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, 7:15pm on GMA News TV.