ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

City of Waterfalls, tampok sa 'Biyahe ni Drew'


Sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, summer pa rin ang peg as Drew Arellano heads to the City of Waterfalls, Calbayog City, Samar!  Pito ang waterfalls sa Calbayog  at ika nga, wala kang itulak-kabigin sa mga ito. Kaya si Drew, bibisitahin ang apat sa mga ito.

First stop ang Busay Falls. Walang bayad ang pagpasok sa lugar at free for all ang pagtatampisaw sa tubig. Just prepare yourself for a 15-20 minute trek to the falls.

Sa next stop na Latik Falls,  kakailanganin ni Drew ang lakas ng loob dahil sa pagpunta sa mismong falls,  kailangan munang tumalon at sumisid. Bagama’t exciting, hindi nirerekomenda ng ating bida na pumunta rito kung hindi kayo marunong lumangoy. Better safe than sorry, biyaheros!   At para makumpleto ang kaniyang 4-stop tour, pupuntahan niya ang Bangon Falls at Tarangban Falls.

Kung hindi kaya ang matinding languyan, pwede namang magbabad sa Mainit Hot Springs para matanggal ang mga sakit sa kasu-kasuan. Puwede ring mag-swimming at mag-jestski sa Malajog Beach. And for a bit of an adrenalin kick, nariyan ang 715-meter zipline papuntang Daraga Islet.

Pag dating sa kainan, sasampolan ni Drew ang local tinapa na sikat na produkto ng Calbayog served in various ways:  may tinapa pasta, tinapa dip, tinapa na may gata at tinapa laing. Pero ang highlight ng kainan, ang makakain sa lugar kung saan minsan nang nag-meryenda si St. Mother Teresa noong bumisita siya sa Calbayog noong 1980s!

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.