ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Holy Land of Israel, babalikan sa 'Biyahe ni Drew'


Ngayong Biyernes, babalikan ni Drew ang lugar na isa na yata sa pinakagamandang napuntahan niya.  Isang lugar na mayaman sa kultura, sikat sa masarap na pagkain, at puno ng pananampalataya—ang Israel!

Number one payo ni Drew sa mga biyahero ang pagsali sa tour group para raw mas mapadali ang biyahe. Nakaayos na kasi ang lahat, mula sa roundtrip tickets, hotel at tour bus, hanggang sa pagkain at tour guides.

Sa Jaffa, pupuntahan ni Drew ang St. Peter’s Church, and simbahang ginawa bilang paggunita kay St. Peter na isa sa mga disipulo ni Hesus. Ilang hakbang lamang mula rito, matatagpuan naman ang Artists’ Quarter kung saan nakatira ang mga local artists ng Jaffa. Narito makikita ang bahay ni Simon the Tanner kung saan nakitulog noon si St. Peter.

Sa Holy Land, pupuntahan ni Drew ang Cana kung saan ginawa ni Hesus ang kaniyang unang milagro: ang paglikha ng alak mula sa tubig. Tamang-tama ito sa mga biyaherong mag-asawa dahil puwede rito ang renewal of marriage vows.

Samantala, masusubukan din ni Drew na mamangka sa Sea of Galilee sakay ng isang fishing boat. Nariyan din ang pagsubok niya ng mala-spa na mud pack sa Dead Sea. At siyempre, makakasalamuha rin niya ang mga miyembro ng isang kibutz, isang komunidad na magkakasama at tulong-tulong na naninirahan sa isang lugar.

Para makumpleto ang biyahe, kailangan ng good eats siyempre. Bukod sa tradisyunal na pagkain, isa raw sa paborito ni Drew ang knafe, isang uri ng kakaiba at masarap na pastry. Nariyan din ang local alcoholic drink na arak. At siyempre, ang St. Peter’s Fish or more popularly known in the Philippines as tilapia.

Sama na sa  Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.