ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Fall in love with Victoria Falls sa 'Biyahe ni Drew'



Sa Biyernes, pupuntahan ng Biyahe ni Drew sa isang talon na nag-uugnay sa dalawang bansa sa Africa na kinikilalang pinakamalaki sa buong planeta… ang Victoria Falls!


Isa sa Seven Natural Wonders of the World ang Victoria Falls. Mas kilala ng mga lokal sa tawag na “mosi-oa-Tunya” o “the smoke that thunders”,  matatagpuan ito sa pagitan ng Zambia at Zimbabwe.

First stop ng Team BND ang Downtown Zambia kung saan tila nahinto ang oras. Kapansin-pansin kasi na puro mabababa at luma ang istilo ng mga gusali rito.  Sa isang curio open market, nakatutuwa ang dami at pagkakaiba-iba ng mga paninda. Dito puwedeng bumili ng samu’t saring gamit at pasalubong na gawang Zambia.

Sunod na adventure ni Drew ang river cruise sa Zambezi River na nakapagitna sa Zimbabwe at Zambia.  Dito, makikita ni Drew ang iba’t ibang hayop na lumalangoy o naglalagi sa ilog— ilan diyan ang mga buwaya, elepante at hippopotamus. May animal sightseeing din sa isang watering hole kung saan puwedeng obserbahan ang  wild animals tulad ng warthogs, baboons, monkeys at zebras. At siyempre, matatapos ba ang wild adventure ni Drew nang hindi kumakain ng uod tulad ng mopani worm?


Meanwhile, makakalaro at masasakyan ni Drew ang mga elepante ng Shearwater game reserve. At bilang grand finale, makikita niya face to face ang talon na ipinangalan sa yumaong reyna ng Ingglatera, ang Victoria Falls. Nakakalula ang laki at ang lakas ng bagsak ng tubig nito na parehong makikita sa magkabilang bansa.


Shooting two countries with one trip, ‘yan ang ang Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
Tags: biyahenidrew