ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Eats-ploring Cavite sa 'Biyahe ni Drew'


 

 
Biyahe ni Drew: Flavors of Cavite
Biyernes, February 3, 2017
8 pm sa GMA News TV

Nagmahal. Nasaktan. Kumain sa Cavite!  Ngayong Biyernes, samahan si Drew sa kaniyang eats-ploration sa bayan ng mga bayani sa Biyahe ni Drew!

Una sa menu ang pansit, Kabitenyo style! Mula pansit ng puso ng saging hanggang pansit kilawin, at pansit pusit, mapapasigaw ka ng “This is it, pansit!” For merienda, titikman ni Drew ang sinudsod, ang tradisyunal na kakanin sa bayan ng Naic. Sa Calle Real naman, lalantakan niya ang Calandracas na isang putaheng tuwing may patay lang daw hinahain noon. At para siguradong alam niya ang tunay na lasa ng pagkaing Kabitenyo, kikilalanin niya ang Culinary Generals of the Philippines na nangangalaga sa tradisyon ng pagluluto sa Pilipinas.

To shake off the extra pounds, try some of the activities in Cavite. Isa diyan ang  paglalaro ng RC cars sa isang full race car track. Pero para sa mga mas adventurous, subukan ang paragliding sa bayan ng Carmona.

Bago umuwi, tiyaking mamili ng mga paboritong pasalubong mula Cavite.  Nariyan ang tinapang galing sa bayan ng Rosario.  Meron ding tamales na Pinoy version ng delicacy ng Mexico. At para sa mga mahilig sa almusal, the best option ang garlicky longganisa ng Imus.

It’s time to eats-plore Cavite sa  Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!