'Biyahe ni Drew' flies to Anda, Bohol!

Biyahe ni Drew: BOHOL
Biyernes, February 10, 2017
8 pm sa GMA News TV


Rice Terraces pero hindi sa Banawe? White sand beach pero hindi sa Boracay? Sa Biyernes, bibisitahin ni Drew ang ilang tila pamilyar na tanawin pero sa hindi masyadong pamilyar na lugar as Biyahe ni Drew flies to Anda, Bohol!


Umpisa pa lang ng biyahe, raratsada na si Drew. Sa Cabagnow Cave, tatalunin niya ang pool nito na may lalim na 25 feet. Perfect ang linaw nito para sa snorkelling. Pero kung mas gusto ninyong mag-chillax, Combento Cave is the one for you. Safe na safe ang pool nito para sa mga bata at hindi marunong lumangoy.


Pagdating sa kainan, dapat daw tikman ang mga produkto ng Talisay Fihermen’s Association o TAFIAS. Nariyan ang Tilapia Chips at ang kakaibang Chocolate Tilapia Chips! Meron din silang burger patties na gawa sa niyog at kalabasa. Pati na ice cream na may peppermint, malunggay at hot chilli flavor! For more exotic eats, titikman ni Drew ang lambay o blue crab na karaniwang pinakukuluan lamang o kaya ay sinasahugan ng sili. Samahan pa ng kinilaw na seaweed… perfect!


Kapag nabusog na, puwede na ulit ituloy ang pamamasyal. Dahil nasa Bohol siya, pupuntahan niya ang sikat na Chocolate Hills. Pero sa Candijay, mamamangha siya sa rice terraces na siyang pinagkukunan ng bigas na pangunahing produkto ng bayan.


Mamamangka rin siya sa Espiritu Island na pinaniniwalaang sagrado ng mga tagarito. Pero ang special treat talaga ay ang date niya with the the powdery white sand and pristine waters of Anda Beach.
Go, go, go sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!