Flavors of Negros, titikman natin sa 'Biyahe ni Drew!'

Sa Biyernes, lahat ng sangkap na makapagpapasarap ng isang biyahe, matatagpuan ni Drew Arellano sa pagbisita niya sa Negros.

For guaranteed good eats, titikman ni Drew ang mga pagkaing may Tatak Negrense. Nangunguna sa listahan ang crispy piaya ng Bailon’s na paboritong pasalubong ng mga biyaherong napapadpad sa Bacolod. Hindi rin magpapahuli ang chicken inasal na isa sa mga pinakaunang ‘street food’ sa probinsiya. Sa sobrang sarap nito, sinasabing ang Bacolod ang may highest per capita consumption ng manok sa bansa! Siyempre, hindi dapat kalimutan ang original cansi, pa-ras, at kasudlan.

Kilala ang Negros bilang Sugar Bowl of the Philippines. Meron kasi itong 778,000 ektarya ng taniman ng tubo o sugarcane farm. Kaya kung naghahanap ka ng matamis, marami niyan ang Negros. Nariyan ang malambot na meriendang putong manapla, ang perfect combi na suman at bukayo, ang pinipilahang Felicia’s ensaimada, at ang Negros delicacy na Napoleones.

To burn off his calories, Drew heads off to Matan-og Falls. Susubukan din niya ang mountain-to-mountain zipline sa Everest, pati na organic farming sa Peñalosa Farms.
Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!