ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Foodie map ng CALABARZON, tampok sa 'Biyahe ni Drew!'



Biyahe ni Drew: FOODIE MAP OF CALABARZON
Biyernes, August 25, 2017 | 8:00 PM sa GMA News TV

Kung nakainan niyo na ang halos lahat ng food parks at food stops sa Maynila pero parang may kulang pa, then it’s time to head south of Metro Manila!  Sa Biyernes, sama na kay Drew Arellano sa kaniyang pagsunod sa Foodie Map of CALABARZON!


Sa Tanza, Cavite, titikman ni Drew ang calandracas, isang kakaibang putahe na inihahanda lamang tuwing may patay. Sa Imus, ang malinamnam na longganisa ang lalantakan niya. At sa Silang, magpapakabusog siya sa pancit pusit.


Para sa kaniyang susunod na destinasyon sa Tagaytay, ang classic bulalo with a twist ang bida sa lamesa. Dito lang kasi merong dragon bulalo na hinaluan ng dragon fruit.


Samantala sa Taal, Batangas, hebigat ang kainan sa boodle fight ng Don Juan Boodle. At sa San Juan, hindi mawawala ang pinakasikat na gotong Batangas.


To cap off his food trip,  sunod-sunod na delicacy ang lalantakan ni Drew, mula sa longganisa ng Lucban, pinais, tinuktok at parirutong ng Pagbilao, hanggang sa chichanoy at tikoy ng Gumaca at kuray crabs at crispy cassava chips ng San Narciso.


Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!