'Biyahe ni Drew' visits the towns connected by the Cagayan River!

Ihanda na ang listahan dahil hindi lang isa kundi apat ang destinasyon ng Biyahe ni Drew ngayong gabi. Ang lahat ng ito, may kaugnayan sa Cagayan River!
Sa Nueva Vizcaya, bibisitahin ni Drew ang Valdez Farm na napagkalooban ng Integrated Social Forestry Program ng DENR. Kaya naman sagana ang mga pananim dito tulad ng lychee at pinya. Pag-aaralan din niyang gumawa ng authentic turmeric tea.
Sa Quirino, pupuntahan ni Drew ang Quirino Motorismo na nagbibigay-pugay sa motorksiklo bilang pangungahing transportasyon ng Quirino. Matututo rin siyang gumawa ng fossilized flowers na gawa sa baking soda at hydrogen water.
Pero siyempre, ang bida sa biyahe ay ang Cagayan River kung saan marami ang lumulusong at nagpapaanod sa malakas nitong agos. Sa Siitan River, puwedeng sakyan ang mga balasiyan o mga bangka na gawa sa kahoy ng kalantas. Sa Baggao, ihanda ang sarili sa caving activity sa Baggao Caves.
When it comes to food, may kani-kaniyang specialty ang mga Cagayan River towns. Sa Quirino, nariyan ang tilanggit o tilapiang danggit for breakfast at Pancit Cabagan na handmade pa ang noodles for merienda. Sa Isabela, patok ang inatata na isang kakaning gawa sa malagkit at niyog. Sabayan pa ng corn coffee, ayos na!
Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.