ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang muling pagbangon ng Baganga, Davao Oriental, tunghayan sa 'Biyahe Ni Drew!'
BAGANGA, DAVAO ORIENTAL
Biyernes, October 5, 2018
8 PM on GMA News TV

“Ecstasy by the Sea” ang bansag sa susunod na destinasyon ni Drew Arellano. Samahan siyang pasyalan ang isa sa pinakamahabang white sand beach sa buong bansa, ang Baganga, Davao Oriental.
Sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Pablo, muling nakabangon ang Baganga makalipas ang anim na taon sa tulong na rin ng turismo.

Papasyalan ni Drew ang Boulevard na sumisimbulo sa katatagan ng loob ng mga taga-Baganga. Dito matitikman ni Drew ang bakery na nagtitinda ng masarap na ensaimada at brewed coffee. Makikilala rin niya ang ilang lokal na gumagawa ng mga gamit at furniture na gawa sa driftwood—bagay na marami noon sa Baganga matapos ang bagyo.

May mga bagong tayong resort sa Baganga. Sa Salingcomot Beach, matatagpuan nag isa sa mga pinakamakabagong resort sa Davao Oriental na naging paboritong puntahan ng mga turista. Atraksiyon din dito ang Mangrove Park na isang protected area. Samantala sa Treasure Islet, maaaring mamangka kapag high tide o maglakad naman kapag low tide.

Sa Lake Carolina na isang tidal creek, makikita ni Drew kung paanong naghahalo ang tubig alat at tubig tabang. At sa Campawan Curtain Falls, makikilala ni Drew ang mga miyembro ng Mandaya Tribe, ang sinasabing pinakamatandang ethnic group sa Pilipinas.

Panuorin ang muling pagbangon ng Baganga. Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

Drew Arellano goes to the “Ecstasy by the Sea”—Baganga, Davao Oriental. Despite being leveled by Typhoon Pablo, Baganga has risen from the devastation and has become a favorite tourist destination. Drew visits the Boulevard and eats the best ensaimda in town, goes to several beaches including Salimongcot Beach and Treasure Islet, and gets awed at the natural phenomenon of Lake Carolina.
More Videos
Most Popular