ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Cave Capital of the Philippines,' dadayuhin sa 'Biyahe ni Drew!'


Biyahe ni Drew: Wonders of Mabinay, Negros Oriental
Friday, 12 October 2018
8 PM on GMA News TV

Nakapunta na ba kayo sa Mabinay? Oo o hindi man, pagkakataon n’yo nang masilip ang Cave Capital of the Philippines sa  Negros Oriental ngayong Biyernes sa Biyahe ni Drew!

Dahil nasa Negros, una sa listahan ng must do’s ang kainan, siyempre. Sa Kalan-an sa Buntod, magkakarga ng kinakailangang energy si Drew with an array of classic Pinoy favorites tulad ng lumpiang shanghai at crispy pata.
At dahil spellunking ang ipinagmamalaki ng Mabinay, ihanda ang mga braso at binti sa apat na raang kuweba na matatagpuan dito. Sa apatnapu’t limang kinilala ng mga Dutch at Belgian explorers, anim lang ang bukas sa publiko. Ilan dito ang papasukin ng Team BND, kasama na ang Pandalihan Cave, Crystal Cave, at Pangligawan Cave.
Kapag hindi ka pa natuwa sa caving, puwede ka namang mag-rock climbing kung saan naroon ang One Oriental Negros Explorer, isang grupo ng mga local climbers sa Negros. Pupuntahan din ni Drew ang Bugsok Falls na worth it ang halos isang oras nang lakaran para marating.
For pasalubong options, mainam na mamitas ng pomelo, bumili ng turmeric tea, at mamili ng lumbang seeds accessories tulad ng bracelets.

Huwag palampasin ang Mabinay adventure ni Drew. Sama na sa  Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
 
In this episode, Drew Arellano travels to the Cave Capital of the Philippines, Mabinay in Negros Oriental. The town has 400 caves but only 6 are open to the public. Drew visits Pandalihan, Crystal, and Pangligawan Caves,  goes on a rock climbing adventure with the One Oriental Negros Oriental group, and treks for over an hour just to get to Bugsok Falls.