ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Biyahe ni Drew' explores the flavors of Quezon!


BIYAHE NI DREW: Flavors of Quezon
Friday, May 28, 2021
5:45 PM GTV


Masasarap na pagkain sa makasaysayang lugar ng Quezon Province ang hatid ni Drew Arellano sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes.

 

    
Ubod sa tahure, puto bao, adobong baka sa gata at papaya…ilan lang ang mga ito sa ginataang putahe na matitikman ni Drew sa Quezon. Samahan pa ng longganisang Lucban at binagkat na kalabasa, tiyak na busog agad ang ating bida.

 

 

Matitikman din ni Drew ang classic na pancit habhab! Aba dapat lang na masubukan ito ng bagong luto at kung papaano kainin ng mga taga-Quezon! Must try din daw ang pinagong ng isang bakery sa Sariaya.

 

 

For adventure-seekers na gustong tunawin ang kanilang kinain, mayroon namang naghihintay na activities sa Quezon. Isa na riyan ang rapelling, wall climbing, at ziplining.    

 


   
Tikman ang sarap at ang saya ng Quezon sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 5:45 PM sa GTV!

ENGLISH PR

Drew Arellano travels to Quezon Province where he samples the flavors the province has to offer including ubod sa tahure, puto bao, and adobong baka sa gata at papaya. He will also learn the proper way of eating pancit habhab.