Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyahero Drew visits Pangasinan’s iconic destinations!


BIYAHE NI DREW: PASYALAN PA MORE SA PANGASINAN!
Sunday, February 6, 2022
8:30 PM GTV

     
Aminin nating lahat at naging stressful ang unang buwan ng 2022, biyaheros. Kaya dadalhin tayo ni Biyahero Drew sa isang lugar kung saan sulit ang mabilisang bakasyon! Pasyalan pa more sa Pangasinan!

 

 

 

Dagat! Iyan kadalasan ang hinahanap-hanap nating mga biyahero. Dadayuhin ni Biyahero Drew ang Depth Pool ng Pangasinan. Kahit matarik at mahirap ang daan papunta rito, sulit ang makikitang mga tanawin.

 

 

 

Mayroon ding matatagpuan dito na eco-friendly resort sa tabing dagat. Hindi lang basta-basta resort ito dahil may tema ang iba’t ibang kwarto. Gusto mo bang mamahinga sa isang malaking bird’s nest? Puwede iyan dito!

 
Para sa mga naghahanap ng kakaibang biyahe, subukan ang salt farm sa Bolinao, Pangasinan. Maliban sa paglibot sa buong salt farm para makita ang proseso ng paggawa ng asin, mayroon pa silang astig na mga produkto! Mamangha sa ganda ng kanilang salt sculptures. Tikman din ang sinasabi nilang energy eggs.

 

 

Isang produkto na ipinagmamalaki ng Pangasinan ay ang kanilang bangus! Pero hindi lang inihaw na bangus ang mayroon. Matakam sa tocinong bangus, embutidong bangus, bangus shanghai at marami pang iba!

 

 

Makakasama rin ni Biyahero Drew ang batikang aktres na si Nova Villa. Ibabahagi niya ang kanyang dinengdeng. Ano kaya ang sikreto ng mga Pangasinense para sa isang masarap na dinengdeng?

 


Mamasyal at magpahinga sa Pangasinan. Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!

-----

Traveler Drew Arellano heads to Pangasinan to relax and recharge. Join him as he discovers the province’s Depth Pool, Salt Farm, Enchanted Cave and many more jawdropping destinations. Veteran actress Nova Villa joins the adventure as she shares her dinengdeng recipe.