Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyahero Drew discovers South Cotabato!


BIYAHE NI DREW: SOUTH COTABATO KAKAIBA 'TO!
Sunday, August 14, 2022
8:30 PM GTV


Dadayo tayo sa South Cotabato para maranasan ang isang kakaibang biyahe!

 

 


Isa sa ipinagmamalaki ng South Cotabato ang Lake Sebu. Puwedeng mamangka rito pero para maiba susubukan naman natin ang water bike!



Nariyan din ang Seven Waterfalls ng Lake Sebu. Libutin ang ilang wateralls dito sa pamamagitan ng zipline!

 


Ibabahagi naman ng mga dreamweaver ng T’boli ang paggawa ng t’nalak. Kahanga-hanga rin ang mga kasuotan na binigyan ng modern look.

 


Isang produkto ng South Cotabato ang pinya! Mayroon daw paraan para mabuksan ang pinya na hindi gumagamit ng kutsilyo. Totoo kaya ito? Aalamin iyan ni Biyahero Drew!

 

Hindi naman kayo mauubusan ng tilapia dishes na matatagpuan sa Lake Sebu, South Cotabato. Kagaya lang ng paksiw na tilapia at tilapia ice cream!

 


Abangan iyan at marami pang iba sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!