Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Taste the flavors of San Pablo, Laguna with ‘Biyahe ni Drew’


BIYAHE NI DREW: FLAVORS OF SAN PABLO
Sunday, February 26, 2023
8:15 PM GTV

Isang food-venture ang mararanasan ni Biyahero Drew sa San Pablo, Laguna!

 


Ipinagmamalaki ng San Pablo ang kanilang kulawo. Susubukang gawin ito ni Biyahero Drew kasama ang kinikilala nilang Kulawo King.

 


Nasubukan n’yo na ba ang kalabuko? Mala-pansit na siksik liglig sa gulay ang matitikman ni Biyahero Drew.

 

Hindi lang sa mga putahe ng San Pablo pala nakatutulong ang tree of life na coconut tree. Iba’t ibang decorative items ang ginagawa ng mga lokal din mula rito.

 


At, puwede palang mag-bowling gamit ang coconut?

 


Abangan ang mga iyan at marami pang iba sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:15 PM sa GTV!