ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"Coffee Cat" and "Waiting in the Wings"
Episode on February 4, 2009 Wednesday night after Saksi In places that these creatures inhabit, people spend days wading through the forest to look for dirt. They pick up animal droppings and place them in a bag like a prize, and for good reason. These droppings carry valued coffee beans said to be the best of all. And not only does the coffee taste good, it is also the most expensive kind in the world. This "golden cup" comes from a cat - the civet. The civet's special brand of coffee is only one of the benefits harvested from the wild. But perhaps because of their usefulness, Doc Ferds and the team discover traps being set in the forest to capture the civets. If they do not end up on someone's plate, they are sold and kept in captivity for their precious coffee. But how does one balance livelihood and the need to protect the wildlife? Mark Salazar drops in again to deliver the most exclusive stories. from the wild! Together with bird enthusiasts, he will do everything to get perfect shots of these winged beings. With more than a hundred endemic bird species that can be found in the Philippines, it's no wonder birdwatchers spend hours watching, waiting, and documenting these feathered friends. Catch Born to be Wild airing on Wednesday after Saksi!
Sa mga lugar kung saan sila'y matatagpuan, sinusuong ng mga residente ang kagubatan, at inaakyat ang kabundukan para lang mamulot ng dumi! Dahil sa dumi ng mga musang, na kilala rin bilang alamid o civet cat, nagmumula ang sinasabing pinakamasarap na uri ng kape. Talagang may ginto sa dumi, dahil ang kape alamid o civet coffee ay ang pinakamahal na kape sa buong mundo! Sadyang maraming biyaya ang hatid ng wildlife, gaya na lang ng mga civet na nag-iiwan ng mala-gintong mga bakas sa kagubatan. Pero sa kabila ng kanilang pakinabang, matutuklasan ng grupo nina Doc Ferds na kabi-kabilang patibong ang nag-aabang sa mga pusang ito sa kagubatan. At kung hindi napupunta sa hapag-kainan, sila'y ibinebenta o di kaya'y ikinukulong para sa kanilang mamahaling kape. Paano nga ba babalansehin ang kabuhayan at ang kapakanan ng mga musang? Samantala, bibisitang muli si Mark Salazar para kumuha ng mga ekslusibong balita. sa wild! Kasama ang mga bird enthusiast, gagawin ni Mark ang lahat para maihatid ang naggagandahang video ng mga ibon sa himpapawid at dalampasigan ng Pilipinas. Araw man o gabi, umulan man o umaraw, ang mga birdwatcher ay nakabantay at naghihintay, makita lang ang libu-libong ibon na nagtitipon sa iba't ibang bahagi ng bansa. Bakit nga ba ganoon na lang ang kanilang dedikasyon at pagkahumaling sa mga ito? Abangan sa Born to be Wild ngayong Miyerkule na pagkatapos ng Saksi!

Tags: borntobewild
More Videos
Most Popular