ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'The Hunt for Mameng' and 'Gribbit!'
Episode on July 1, 2009 Wednesday night after Saksi In Davao, Kiko is on the hunt for a giant, friendly, yet endangered type of fish - the wrasse or "mameng". Eerily beautiful underwater, the wrasse's colorful scales, "pouting lips" and sheer size make it unmistakable. Kiko and the team wait on the wrasse, hoping for an encounter. And the giant fish does not disappoint. The hunt is a success, and Kiko and the team bring home an exhilarating experience. But others are also on a hunt for the mameng. Long a delicacy in Asian restaurants, it has become one of the most coveted and endangered species of fish, going for thousands of pesos apiece. Born to be Wild discovers the continuing sale of mameng meat, already prohibited by the law. Wild correspondent, Mark Salazar, goes "gribbit!" in this week's episode. Frogs, one of the most diverse of Philippine animals, may be brushed off as irrelevant or even downright disgusting by some people. But Mark discovers just how fascinating and different each species of amphibian can be. And if you think they're too plenty to ever face extinction, think again. A fungus known as "chytrid" has made the rounds all over the world, and has now reached the Philippines, killing our amphibians. Plus, after several months off-camera, a well-loved "wild man" makes a much-awaited appearance on Born to be Wild! You know you miss him, so don't miss this Wednesday's episode, after Saksi.
Isang higanteng isda ang hinahanap ni Kiko sa Davao. Siya'y dambuhala sa dagat, pero friendly naman. Katunayan, siya ay isang endangered species - ang mameng. Sa kaniyang ganda sa ilalim ng dagat, makikinang at makukulay na kaliskis, hindi maipagkakaila ang mameng. Isang engwentro ang inaasahan ni Kiko at ng grupo, at di naman sia mabibigo! Magpapakita ang mameng para sa isang masayang tagpo. Pero hindi lang sina Kiko ang naghahanap ng mameng. Ang iba, hina-hunting ito para gawing pagkain, dahil isa itong delicacy sa ilang restaurant. Ibinebenta sa halagang libu-libo ang bawat piraso ng mameng kahit na ipinagbabawal na ito ng batas dahil sa papaunting bilang ng isdang ito. Pero sa kabila ng pagiging bawal, matutuklasan ng Born to be Wild na ibinebenta pa rin ito sa ilang lugar sa Maynila. Samantala, tutuklasin ng wild correspondent na si Mark Salazar kung bakit hindi dapat pandirihan o kaya'y ipagwalang-paki ang mga palaka! Hindi lang sila berde at malaki ang mata. Isa rin ang mga palaka sa ipinagmamalaking uri ng hayop ng bansa, dahil sa dami ng klase ng mga palakang matatagpuan sa atin. Pero kung inaakala ninyong hindi sila nanganganib mawala, think again, ika nga! Isang fungus na kung tawagin ay "chytrid" ang kumakalat ngayon sa iba't ibang bansa, pumapatay ng mga palaka, at ngayo'y nakarating na sa Pilipinas. At. sino itong "wild man" na bumibisita? Alam naming miss niyo rin siya! Kaya't huwag palalampasin ang Born to be Wild ngayong Miyerkules pagkatapos ng Saksi!

Tags: borntobewild
More Videos
Most Popular