ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sea snakes and sculptures


Episode on October 21, 2009 Wednesday night after Saksi Zamboanga Peninsula's Sibugay region became notorious for the kidnapping of Italian priest, Father Giancarlo Bossi in 2007. Earlier this year, three teachers were also abducted in the province, and remain in captivity at present. But while events like these may cast a shadow over the province, Sibugay is an otherwise quiet locale, with many natural treasures to boast of. Doc Ferds Recio explores Olutanga Island in Zamboanga Sibugay where an unusual phenomenon has occurred. Thousands of black-and-white banded sea snakes have converged around a local man's hut on stilts. Mang Tero, the so-called "snake man" of Sibugay claims that as many as eight thousand sea snakes now reside in his hut, where he believes he has been tasked to house and protect them. Sea snakes are said to be one of the most venomous in the world, and are believed to be even deadlier than the cobra. Doc Ferds and the team film fascinating snake behavior, including that which Mang Tero himself has never witnessed in the many years he has lived among the snakes. Kiko Rustia's feet take him wandering off to another adventure. He finds himself in a strange world, almost like an alien planet, where unusual rock formations tower eerily over the sand. But not only do these rocks dominate the land, they reach far beneath the sea's surface to make even stranger forms underwater. Kiko unlocks the mysteries of Biri Island in Samar, and explores what locals claim is a newly discovered dive site, now named "Kiko's Maze" after the wild wanderer himself. It's an episode you shouldn't miss! Born to be Wild airs this Wednesday after Saksi!
Naging maugong ang Zamboanga Sibugay dalawang taon na ang nakalilipas nang ma-kidnap dito ang Italyanong pari na si Father Giancarlo Bossi. Ngayong taon lang, tatlong guro ang dinukot sa lugar, at kasalukuyan pa ring nasa kamay ng mga kidnapper. Ngunit may madilim man itong mga kaganapan, nananatili ang Sibugay na isa sa mga katangi-tanging lugar pag dating sa ganda ng kalikasan. Sa Olutanga Island ng Zamboanga Sibugay, matutuklasan ni Doc Ferds ang isang kakaibang eksena: libu-libong mga sea snake ang nagtipon-tipon sa isang kubo sa gitna ng dagat. Ang nagmamay-ari ng kubong ito ay si Mang Tero, kilalang "snake man" ng Sibugay. Sa huling tantsa raw ni Mang Tero ay nasa walong libong sea snake na ang naninirahan sa kaniyang kubo. Ang mga sea snake ay pinaniniwalaang mas makamandag pa kaysa sa cobra. Ilang katangi-tanging gawain ng mga sea snake ang makukunan ni Doc at ng grupo, kabilang ang ilang mga tagpo na ni minsan raw ay di pa nasaksihan kahit mismo ni Mang Tero! Samantala, kumakati na naman ang mga paa ng lagalag na si Kiko Rustia! Dadalhin siya ng kaniyang mga paa sa isang kakaibang lugar na tila ba ibang planeta. Naglalakihang mga bato na may di-pangkaraniwan ang hugis ang gugulat kay Kiko. Pero hindi lang sila matatagpuan sa ibabaw ng lupa, kundi hanggang sa ilalim ng tubig! Tutuklasin ni Kiko ang hiwaga ng mga batong ito, at mararating ang sinasabing bagong dive site, na ipinangalan pa sa ating lagalag - ang "Kiko's Maze." Huwag palalampasin ang pagtuklas sa mga katangi-tanging tagpo dito lang sa Born to be Wild, ngayong Miyerkules na pagkatapos ng Saksi!