ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Hinulugang Taktak, a fading attraction
Episode on March 5, 2008 Wednesday late night after Saksi While civilization is the yardstick by which we measure human progress, the environment always seem to pay the price. Never is this more evident than what it had cost Antipolo's Hinulugang Taktak. In the 60s, this was a favorite as movies loctions, and well into the 80s, this was a family favorite for swimming and picnic gatherings. Today, meter-high soap suds from the laundry of the area's inhabitants cover the bottom of the falls, along with the various refuse of households, factories, piggeries and nearby markets. The sight literally stopped Romi Garduce in his tracks, all plans for rapelling and swimming abandoned. While there are efforts to save Hinulugang Taktak, the task seem too little, too late. Doctor Ferds Recio, meanwhile, visited Paradise Ranch - a sanctuary for abandoned, unwanted and, animals that need far too much attention and care than their owners can provide. On a rather atypical medical mission, Doc Ferdz gelded a horse and castrated a monkey. Catch all these on Wednesday night, right after Saksi.
Isa na namang adventure ang susuungin ni Romi Garduce ngayong Miyerkules. Susubukan niya ang mag- rapelling at swimming sa isang sikat na talon sa Antipolo - ang Hinulugang Taktak. Pero bago pa man siya makalapit sa lugar, literal na natigilan siya. Ang dati kasing sikat na pasyalan, iba na ang itsura. Makikta na ang tubig ay puno ng bula na isang metro ang taas. Mula raw ito sa labada ng mga nakapaligid na kabahayan, mga dumi mula sa factories, piggeries at palengke. Tila kasabay na nga ng kaunlaran ang hindi maiwasang epekto sa kapaligiran at kalikasan. Patunay rito ang Hinulugang Taktak sa Antipolo. Sikat na pasyalan dati ang lugar, katunayan, noong dekada sisenta, lokasyon ito ng mga shooting sa pelikula. Noong dekada ochenta naman, paboritong pagpiknikan ng mga pamilya, at nilalanguyan ang pool ang Hinulugang Taktak. May pag-asa pa kayang masalba ang talon na ito? Si Doc Ferds Recio naman ay bibisita sa Paradise Ranch. Tahanan ito ng mga hayop na pinabayaan at na-rescue. Dito, magsasagawa siya ng isang misyon - ang pagkapon sa isang kabayo at isang unggoy. Abangan ang isa na namang exciting na episode ng Born to be Wild ngayong Miyerkules pagkatapos ng Saksi.

Tags: borntobewild, hinulugangtaktak
More Videos
Most Popular