ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kwentong Bangkero sa 'Brigada'


Brigada
Kwentong Bangkero at Giant Lamok
March 25, 2014
8 PM, GMA News TV-11
 
Kwentong Bangkero




Ipinagdiwang noong nakaraang linggo ang taunang Bangkero Festival sa Pagsanjan, Laguna. Bida sa selebrasyon ang kahusayan at dedikasyon ng mga maituturing na haligi ng turismo sa kanilang lugar -- ang mga bangkerong halos buwis buhay na sa kanilang trabaho maihatid lang ang mga turista sa Pagsanjan falls.



Sa pakiki-piyesta roon ni Mav Gonzales, nalaman niya kung bakit ganoon na lang kung bigyan ng pagpupugay ang mga bangkero ng Pagsanjan.
 
Giant Lamok



Pinepeste ngayon ang mga residente ng Tondo ng mga nilalang na kalimitan daw sa gabi umaatake! Pero hindi raw ito mga kawatan, kundi mga higanteng lamok! Di hamak daw kasi na mas malalaki ang mga ito sa ordinaryong lamok. Sa dami nga raw ng mga giant lamok, tadtad na ng mga pantal ang kanilang mga braso't binti.



Inalam ni Jay Sabale kung paano matetepok ang problemang ito.

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan tuwing Martes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama sa iisang "Brigada"!