ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tugase sa 'Brigada'


"Brigada"
Tugase at mga Tirador na Motor
April 1 , 2014
8 PM, GMA News TV-11
 
TUGASE
 


Sa bayan ng Dasol sa Pangasinan, sa lupa man o karagatan, kinatatakutan nila ang mga sea snake o ‘yung tinatawag nilang tugase. Subalit sa nangangamba ngayon ang lokal na pamahalaan ng Pangasinan hindi dahil sa kamandag ng tugase kundi dahil sa kapansin-pansing pagkaunti ng mga sea snake sa kanilang probinsya. Sa pagpunta roon ni Marisol Abdurahman makakakita pa kaya siya ng mga sea snake sa natural nilang tahanan?
 
MGA TIRADOR NG MOTOR
 


Mula 500 na kaso ng nakawan ng motorsiklo noong Enero, nadagdagan ito ng 600 pang mga motor na nanakaw nitong Pebrero. Patunay lamang ito na mainit sa mata ng mga kawatan ang sasakyang ito.  Sa ulat ni Bam Alegre, inalam nya kung saan ang mga posibleng pagdalhan ng mga nanakaw na motor o di kaya yung mga chop-chop na bahagi nito. Alamin din ang iba’t ibang pamamaraan para makaiwas sa mga tirador ng motor.
 
Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan tuwing Martes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama sa iisang "Brigada"!