ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

The Lost Churches of Intramuros sa 'Brigada'


"Brigada"
The Lost Churches of Intramuros at Bundok ng Pananampalatay
April 15, 2014
8 PM, GMA News TV-11


The Lost Churches of Intramuros




Noong panahon ng mga Kastila, naging sentro ng pananampalataya ang Intramuros sa Maynila. Sa loob nito itinayo ang pitong simbahan. Pero sa paglipas ng panahon, matapos ang ilang lindol, bagyo, at giyera, dalawa na lang ang kilalang nakatayo pa -- ang Manila Cathedral at San Agustin Church. Hinanap ni Lia Mañalac-del Castillo kung may naiwang bakas ang lima pang makasaysayang simbahan. Pati mga yaman at reliko ng mga simbahang ito, matunton din kaya niya?

Bundok ng Pananampalataya




Bunsod ng nangyaring sunog sa mga bundok ng Banahaw at Cristobal, mas lalong pinag-igting ang paghihigpit sa mga debotong nais umakyat sa mga itinuturing na sagradong pook na ito. Pero para sa mga namamanata, walang anumang makapipigil sa masidhi nilang debosyon. Sumama si Cedric Castillo sa mga debotong nagkakasya na lang ngayon sa pamamanata sa paanan ng Banahaw.
 
Abangan ang Holy Week Special ng "Brigada" bukas, April 15, 8 pm sa GMA News TV-11!