ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Panahon ng Martial Law, gugunitain sa 'Brigada'

MARTIAL LAW SPECIAL
Ang mga sugat ng nakaraan, naghihilom daw sa paglipas ng panahon. Mahigit apat na dekada na ang nakaraan mula nang ideklara ang batas militar sa Pilipinas pero tila hindi pa rin nakauusad ang bansa mula sa hirap na naranasan ng ilan nating mga kababayan dahil sa Martial Law.
Ganito ang saloobin ng mga pamilya ng mga desaparacidos o 'yung mga diumano dinampot noon ng mga awtoridad na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan. Hustisya ang kanilang sigaw kasama ng iba pang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao at torture noong panahon ng diktaturya. Siniyasat ni JP Soriano kung ano na nga ba ang lagay ngayon ng kaso ng mga reparation o pagbibigay ng danyos sa mga biktima ng pang-aabuso noong martial law.

Samantala sa nalalapit na paggunita sa anibersaryo ng deklarasyon ng batas military, muling sinariwa ng mga naging bahagi ng kilusan ng mga kabataan ang kanilang naging karanasan sa panahon ng rehimeng Marcos. Tulad na lang ng manunulat na si Boni Ilagan na dating miyembro ng kilusang Kabataang Makabayan na kalauna'y nagkaroon din ng mga akda patungkol sa Martial Law. Inalam ni Tina Panganiban-Perez ang kanyang kuwento, pati na ng naging papel ng student movements noong martial law.
Samantala, hindi lahat ng namuhay noong batas military, tutol sa naging deklarasyon ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Sa katunayan, may mga naniniwala na sa panahon nga raw ng Pangulong Marcos naranasan ng ating bansa ang lubos na kapayapaan at kaunlaran dahil sa pinairal noon diumanong disiplina at pagpapalaganap ng iba't ibang imprastraktura't proyekto ng gobyerno. Pinulsuhan ni Pia Arcanghel ang ilan nating mga kababayan maging 'yung mga tinaguriang millenials kung ano ang tingin nila sa Martial Law.
More Videos
Most Popular