ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Legalisasyon ng medical marijuana, tatalakayin sa 'Brigada'


CENTENARIANS
Tinatayang nasa tatlong libo nating mga kababayan ang centenarians o yung mga nakatatandang umabot sa isandaang taong gulang ang edad. At bilang pagpupugay sa ambag nila sa lipunan, ipinagdiriwang tuwing Oktubre ang Linggo ng Nakatatandang Pilipino na naglalayong palaganapin ang kamalayan sa mga karapatan at benepisyo. Kamakailan nga,  inapbrubahan ng Pangulong Duterte ang pagbibigay ng insentibong isandaang libong piso para sa lahat ng mga centenarian sa bansa. Nakilala ni Katrina Son ang ilan sa mga centenarian na nananatili pa ring malakas at matalas sa kabila ng kanilang edad.

LANGIS NG CANNABIS
Ayon sa batas, ipinagbabawal ang anumang paraan ng paggamit at maging ang pagdadala at pagtatanim ng marijuana. Pero may ilang nagsusulong na gawing legal ang paggamit nito dahil sa maaari daw itong gamiting panggamot sa iba't ibang uri ng karamdaman. Halimbawa na lang ang isang komunidad kung saan ang mga tanim nilang marijuana, pinoproseso nila para maging "hash oil" na kanila namang iniinom at ipinampapahid sa iba't ibang parte ng katawan. Para sa kanila, labis itong epektibo bagamat wala pa namang siyentipikong pag-aaral na makapagpapatunay dito. Siniyasat ni Victoria Tulad ang iba't ibang argumento kaugnay ng paggamit ng marijuana.