ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paraw at Lang-ay Festivals, ngayong Martes sa 'Brigada'


LANG-AY


Pinaniniwalaang ang mga Igorot sa kabundukan ng Cordillera ang isa sa mga pinakaunang grupong nanirahan sa Pilipinas. At dahil sa angking galing at tapang nila sa pakikidigma, matagumpay nilang naipatanggol ang kanilang lupain at mapreserba ang kanilang kultura mula sa mga banyaga. Ito ang sentro ng pagdiriwang ng Lang-ay Festival na ginanap kamakailan sa Mt. Province. Ipinamalas dito ng mga katutubong Igorot ang mayaman nilang kultura, mula sa mga makukulay nilang kasuotan pati na ang mga natatangi nilang mga laro’t sayaw. Nakibahagi si Victoria Tulad sa makulay na Lang-ay Festival ng mga Igorot.


PARAW FESTIVAL


Paraw ang tawag sa bangkang ginagamit ng mga taga-Alaminos, Pangasinan sa kanilang pang-araw araw na kabuhayan na pangingisda. Isa itong uri ng maliit na bangka na walang motor at pinauusad ng hangin gamit ng sagwan at layag. At bilang pagkilala sa naging papel ng mga paraw sa ekonomiya ng kanilang bayan, sinimulang ipagdiwang ngayong Marso ang Paraw Festival. Dito tampok ang makukulay na paraw na sumasalamin din daw sa buhay ng mga taga-Alaminos, pati na ang pinakaaabangang karera ng paraw kung saan makikita ang angking galing ng mga mangingisda sa kanilang lugar sa pagtimon ng mga sasakyang pandagat na ito. Sumubok si Micaela Papa na maglayag sa karagatan ng Alaminos gamit ang ipinagmamalaki ritong paraw.