'Yaman sa Kawayan' ni Dano Tingcungco, ngayong Martes sa 'Brigada'
YAMAN SA KAWAYAN

Kalimitang nakikita at nabibli na lang natin ang labong na karaniwang sinasangkapan ng gata na siyang inuulam ng marami nating mga kababayan. Pero para sa mga batang nangunguha nito sa mga kabundukan ng Morong, Rizal, hindi biro ang hirap na kailangan nilang pagdaanan. Dito isiniasangkalan nila ang mura nilang mga katawan, nagpapakabilad sa ilalim ng initan, at kung minsa’y nasusugatan pa ng dala nilang mga karit para lang makahango ng labong na para sa kanila’y maituturing nang kayamanan. Sinamahan ni Dano Tingcungco ang mga batang ito mula sa pagkuha ng labong hanggang sa maibenta nila ito at maging pera.

KAPE

Kape ang sentro ng pagdiriwang ng mga taga-Amadeo, Cavite kamakailan sa kanilang Pahimis Festival. Dito kinikilala nila ang isa sa mga produktong pangunahing bumubuhay sa kanilang bayan. Tanda raw ito ng umuunlad nilang industriya at ng primera klase nilang produkto na kinikilala hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Kabilang si Micaela Papa sa mga nakibahagi sa kasiyahan sa taunang Pahimis Festival ng Amadeo, Cavite.
