ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Brigada Presents: Limot na Digmaan


“LIMOT NA DIGMAAN”

July 23, 2019

8 pm sa GMA News TV

Sa kasagsagan ng Korean War noong dekada singkwenta naganap ang pinakamatinding girian sa pagitan ng magkatunggaling North at South Korea. Ang North Korea, suportado ng mga komunistang bansang China at noo’y Soviet Union, samantalang tinutulungan naman ang South Korea ng Estados Unidos pati ng mga bansang kasapi sa United Nations o UN. At dahil bahagi ng UN ang Pilipinas, bata-batalyong sundalo ang ipinadala ng ating bansa sa South Korea.

Isa sa mga nadestino doong sundalo si Major Maximo Young na naging bahagi ng 10th BCT o Battalion Combat Team. Nagsilbi bilang isang tank commander noong giyera, masasabi niyang hindi naging madali ang pinagdaanan nila noong labanan sa Battle of Yultong. Habang nasa kalagitnaan ng digmaan, nabalahaw ang sinasakyan nilang tangke na naging dahilan para hindi nila mabakbakan ang kanilang target. Dahil sa taglay niyang katapangan, inakyat niya ang dalang machine gun sa tuktok ng kanilang tangke at walang humpay itong niratrat hanggang sa umatras na mismo ang kanilang mga kalaban. Ang tagumpay nilang ito ang itinuturing na isa sa mga pinakamalaking panalo ng Philippine Army sa Korean War.

Sa 20th BCT naman napabilang si Brigadier General Benjamin Santos, kung saan nakatuwang niya sa mismong labanan ang ang dating pangulong Fidel Ramos sa Battle of Hill Eerie. Isa ang Hill Eerie sa mga pinakaimportanteng strategic point malapit sa border ng North Korea, at dahil sa galing at husay nila sa pakikipaglaban, matagumpay nila itong nabawi mula sa kamay ng mga kalaban na walang namamatay sa kanilang tauhan.

Nitong nakaraang Hunyo, kabilang sina Maj. Young (Ret.) at Brig. Gen. Santos (Ret.) sa 10 beteranong sundalong inimbitahang muling bumisita sa South Korea para sa taunang pagdiriwang at pag-alala sa kabayanihan ng PEFTOK o Philippine Expeditionary Forces to Korea. Sa pagsama sa kanila ni Lala Roque, nasaksihan niya kung gaano kalaki ang respeto at pagpapasalamat ng mga Koreano sa mga hukbong Pilipino para sa kanilang naging kontribusyon sa katahimikang tinatamasa ngayon ng kanilang bansa.

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Martes, alas-otso ng gabi sa iisang Brigada.

“THE FORGOTTEN WAR”

June 25, 1950.  War broke between North and South Korea.  North Korea was backed by China and the Soviet Union, while South Korea had support from the United States and UN member nations.

The Philippines was among the first UN nations that sent troops to fight alongside South Koreans.

Major Maximo Young of the 10th BCT or Battalion Combat Team served as a tank commander in the Battle of Yultong.   He and his men fought fiercely and won the battle, considered one of the biggest victories of the Philippine Army during the Korean War.

20th BCT Brigadier General Benjamin Santos fought with former President Fidel Ramos in the Battle of Hill Eerie. The 20th BCT successfully recovered Hill Eerie from the enemies without a single casualty.

More than six decades after the war in Korea ended, Maj. Young (Ret.), Brig. Gen. Santos (Ret.), and other Filipino veteran soldiers return to South Korea to meet fellow war veterans from Korea who fought bravely with them.  Together, they reminisce the war that claimed the lives of countless soldiers.

Lala Roque joins the Filipino war veterans as they receive a heroes’ welcome from Koreans who have not forgotten their contribution to their country’s peace.

Join award-winning and Brigada Siete journalist Kara David, together with the new generation of reporters, as they share new stories, new perspectives, and the latest issues, this Tuesday, 8:00pm in Brigada.