Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

TikTokspirations, kilalanin ngayong Sabado sa 'Brigada'


BRIGADA
October 10, 2020
9:15 PM sa GMA News TV

Buffet Delivery
Mariz Umali

Matapos ang ilang buwang lockdown, nagbukas na ulit ang ilang restaurant pero dahil may pandemya pa rin, limitado lang ang bilang nang puwedeng mag-dine in. Para kumita, naisipan nilang i-home delivery ang kanilang buffet business. Naki-food trip sa kanila sa ang ating Ka-Brigadang si Mariz Umali, pinuntahan niya ang isang eat-all-you-can buffet restaurant, kung saan ang kanilang Asian, European and American cuisine puwede na ring ipa-home delivery. Ang isang kainan naman sa Antipolo, ang kanilang boodle feast, pwedeng ihatid na rin sa bahay ng customer sa halagang tatlo hanggang apat na libo. Kailangan daw maging maparaan ngayon ng ilang restaurant lalo pa’t nawalan din ng kita ang kanilang mga trabahador. At para sa kanila, ang food delivery ang kanilang unang hakbang para makabawi sa ilang buwang tigil-operasyon.




Team JakBie
Nelson Canlas  

 
Sina Jak Roberto at Barbie Forteza, ilan lang sa mga artistang nasubok nang maapektuahn ang mundo ng showbiz ng dahil sa pandemic. Pero ang pagsubok na ito, magkasamang hinarap ng real life love team na mas kilala bilang, JakBie! Ang kanilang mga couple challenge video laging trending online pa rin at umabot din ng ilang milyong views. Na-interview ni Nelson Canlas ang celebrity couple, kuwento nila, nang dahil sa lockdown, sa online na rin naganap ang kanilang mga date at celebration ng anniversary. At ngayong may pandemic, may payo ang Jakbie sa mga in-a relationship gaya nila: ‘yan ang panatilihin pa rin ang  komunikasyon, iwasan ang paglabas at laging mag-practice ng physical distancing para iwas virus.


TikTokspirations
Kara David


Sa isang isla sa Quezon Province, ang conjoined twins na sina Joy at Joyce hindi nagpahuli sa  video entries sa TikTok. Lahat na nga raw ng mga latest dance move sa TikTok, kayang ihataw ng kambal. Ipinanganak na magkadikit ang kanilang ulo at dahil sa takot na rin na magkaroon ng kumplikasyon o mawala ang isa sa kanila, napagdesisyunan ang kanilang ina na huwag na lang ipa-opera ang dalawa. Habang lumalaki, hindi nakaligtas sa mapanghusgang mata ang kambal at kahit lumiit man ang kanilang  mundo, nahanap naman nila sa Tiktok ang pagtanggap at pag-unawa. Ngayong hinahangaan na sila ng kanilang mga follower at umaabot lang naman sa eleven million likes ang kanilang page.


Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento't bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado sa iisang Brigada.