Mga limot na putahe, itatampok sa 'Brigada' ngayong Sabado!
BRIGADA
FEBRUARY 6, 2021
ISUMBONG SA BARANGAY!
REPORTER: KARA DAVID
Isa si Nanay Carmen Celino sa dalawampung miyembro ng Lupon Tagapamayapa ng Barangay Bagong Silang sa Caloocan City. Ngayong araw may tatlumpu’t tatlong reklamo silang pagpapasyahan. Kinailangan pang maglatag ng apat na mesa para mapakinggan ang bawat reklamo at ang malimit na kasong kanilang hinahawakan; hindi pagbabyad ng utang, tsismis at hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa at magkapitbahay. Ang unang kaso ni Nanay Carmen, ang reklamo ni Victor sa kanyang mga kapitbahay. Nirereklamo niya ang pisikal na pananakit sa kaniya ni Mario at ang masasakit na pananalita mula sa asawa nitong si Marites. Sa kabilang mesa naman, nagkaka-initan na sina Rita at Nena. Kuwento ni Rita, ipinahiya raw siya ni Nena dahil hindi raw siya nakapagbayad ng utang sa tamang oras. Matapos ang ilang minuto, naayos na rin ang kanilang mga problema. Ilan lang ito sa mga kasong narinig at nalaman ng ating Ka-Brigadang si Kara David.

_2021_02_05_20_56_41_1.png)
SI TAPANG AT SI LAKAY
REPORTER: MAV GONZALES
Siguradong magigising kayo sa video ni Riyan Ronnie Suan o mas kilala bilang si Boy Tapang. Kaya lang naman niyang, ngumuya ng bubug, thumbtacks at kumain ng mga exotic food. Tubong Cebu si Ronnie, at nitong pandemya lang siya nagsimulang gumawa ng kakaibang videos. At dahil sa sensitibong content ng kaniyang mga vlog, minsan na raw na-suspend ang account ni Boy Tapang, kaya ang kikitain sanang pera sa mga nakaraan niyang vlog ay bigla na ring nawala. Dahil sa kanyang dumaraming subscribers, marami-rami na rin ang humahamon sa katapangan ni Boy Tapang. Pero ang pinakahumahamon sa kanya, ang martial artist at strong man ng Mariveles, Bataan na si Lakay Cabarlo, Jr. Ang kaniyang power moves; mag-split sa magkahiwalay na bangko, magbaon ng pako gamit ang kaniyang palad at magbalat ng niyog gamit ang ngipin. Nakausap sila ng ating Ka-Brigadang si Mav Gonzales, at nalaman niyang sina Boy Tapang at Lakay ay gagawin ang lahat, hindi lang para maipakita sa mundo ang kanilang kakaibang tapang at lakas, kundi para matulungan din ang ang mahal sa buhay.

_2021_02_05_20_56_41_3.png)
LIMOT NA PUTAHE
REPORTER: LALA ROQUE
Umaani ng papuri ang pinakabagong romantic fantasy series sa GMA News TV na The Lost Recipe, dahil na rin sa mala-Kdrama na cinematography at mahusay na pagganap ng mga bidang sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos. Umiikot ang istorya sa chef na si Harvey at ang kanyang pagkakatuklas sa makasaysayang recipe ng pinakatanyag na pagkaing Pinoy na adobo. Sa pakikipagkwentuhan ni Bernadette Reyes kina Kelvin at Mikee, ibinahagi nila ang kanilang karanasan sa likod ng kamera, pati na ang pagkamangha sa iba pang mga masasarap na heritage dishes ng bansa.
_2021_02_05_20_58_50_0.png)
_2021_02_05_20_58_50_1.png)
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado sa iisang Brigada.